Mga estudyante sa private schools na lilipat sa public schools tatanggapin pa rin ng pamahalaan

By Chona Yu July 22, 2020 - 07:39 AM

FILE PHOTO

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi tatanggihan ng mga pampublikong paaralan ang mga estudyanteng lilipat mula sa mga pribadong eskwelahan.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, sa ngayon, lahat ng mga lumipat ay tinanggap ng mga pampublikong paaralan.

Una rito, sinabi ni Education secretary Leonor Briones na 27 percent na lamang ng mga estudyante ang nagpa-enroll sa mga pribadong eskwelahan.

Karamihan aniya sa mga magulang ng estudyante ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 at hindi na kayang bayaran ang matrikula.

Iginiit pa ni Briones na nakasaad din sa Konstitusyon na hindi dapat na tanggihan ang isang bata na gustong mag-aral.

Ayon kay Briones, hindi lamang ang mga estudyante ang nagma-migrate o lumilipat ngayon sa mga pampublikong eskwelahan kundi maging ang mga guro na nawalan ng trabaho.

Pinag-aaralan na aniya ito ng DepEd kung paano maayudahan ang mga apektadong guro.

 

 

 

 

 

TAGS: 27 percent lamang ng mga estudyante ang nagpa-enroll sa mga pribadong eskwelahan., Ayon kay Education secretary Leonor Briones, deped, schools, Students, transferees, 27 percent lamang ng mga estudyante ang nagpa-enroll sa mga pribadong eskwelahan., Ayon kay Education secretary Leonor Briones, deped, schools, Students, transferees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.