Borders ng Iloilo City isinara dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Isinara pansamantala ng Iloilo City ang borders nito bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, partikular na isinara ang borders ng lungsod para sa mga mamamayan na galing sa Bacolod City, Negros Occidental, at Negros Oriental.

Epektibo ang pagsasara ngayong araw, July 22.

Tuloy naman ang paglabas-masok ng mga essential good at cargoes para mapanatiling normal ang suplay ng pagkain at mahahalagang produkto sa lungsod.

 

Read more...