Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 184.10 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (July 22) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 184.24 meters.
Bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.92 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 98.91 habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 77.71 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 77.73 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.