Kapa founder naaresto sa raid sa beach resort sa Surigao Del Sur

Arestado ng mga otoridad si Kapa Community Ministry International (Kapa) founder Joel Apolinario na nahaharap sa kasong syndicated estafa.

Si Apolinario ay nadakip sa ginawang pagsalakay ng mga pulis sa isang beach resort sa bayan ng Lingig sa Surigao del Sur.

Nanlaban pa sa mga pulis ang mga tauhan ni Apolinario at nagpaputok nang isisilbi na ang warrant of arrest sa Kapa leader.

Dahil sa engkwentro, dalawang hindi pa nakilalang lalaki ang nasawi, habang isang Melecio Siano naman ang nasugatan.

Ang warrant of arrest na isinilbi ng mga pulis ay inilabas ni Judge Gil Bollozos ng Cagayan de Oro City Regional Trial Court (RTC) habang mayroon din silang bitbit na search na inisyu ni Judge Shineta Tare-Palacio ng Surigao del Sur RTC.

Maliban sa Kapa founder, naaresto din ang 23 pa niyang tauhan.

Nakumpiska sa resort ang tatlong .60-caliber machine guns, tatlong .22-caliber rifles, isang shotgun, dalawang rifle-propelled grenades, limang .45-caliber pistols, tatlumpung M16 rifles, dalawang M4 rifles, isang Garand rifle, isang .50-caliber sniper rifle at Carbine rifle.

 

 

Read more...