Pangulong Duterte naghahanap na ng pondo pambili ng face masks para sa lahat

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2020 - 06:45 AM

Naghahanap na ng pondo si Pangulong Rodrigo Duterte para makabili ng face masks at maipamahagi ito ng libre para sa lahat.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque hindi man kayaning mabigyan ng face mask ang lahat ng Filipino ay target ng pamahalaan na maibigay ito ng libre sa nakararami.

“Nagsabi rin po si Presidente na maghahanap siya ng pondo para bumili ng face mask na ipamimigay nang libre – sana po sa lahat, pero kung hindi kakayaning bigyan ang lahat, sa marami pa pong mga Pilipino,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na ang pagsusuot ng face mask ay nakapagpapababa ng tsansa na mahawa sa sakit.

Kasabay nito ay hinimok ni Roque ang publiko na palagiang magsuot ng mask. sumunod sa social distancing at palaging maghugas ng kamay.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, face mask for all, free face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, face mask for all, free face mask, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.