Mahigit 3,000 naaresto simula nang umiral ang lockdown sa Navotas City

Umabot na sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga naarestong violators simula nang umiral ang lockdown sa Navotas City.

Sa datos ng Navotas City LGU, hanggang kahapon July 21 ay 3,071 na ang bilang ng mga naarestong lockdown violators.

Sa nasabing bilang, 2,910 ang nasa hustong gulang na habang 161 ang menor de edad.

Ang mga nahuli ay lumabag sa iba’t ibang ordinansa kabilang na ang mandatory na pagsusuot ng face mask.

 

 

 

Read more...