Landers Grocery sa Pasig ipinasara ng lokal na pamahalaan dahil sa paglabag sa quarantine protocols
Ipinasara pansamantala ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang branch ng Landers sa Brgy. Ugong.
Ito ay dahil sa kabiguan ng Landers na magpatupad ng minimum health safety standards partikular ang social distancing sa mga namimili.
Sinabi ni Sotto na kadalasan ay hindi nila pinapangalanan ang mga ipinasasarang establisyimento.
Ito ay para maiwasan aniya ang bad publicity.
Gayunman, dahil isang malaking negosyo ang Landers at tiyak namang malalaman din ng publiko kalaunan, ay pinangalanan na ito ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Sotto mananatili namang bukas ang restaurant, barbershop, plant shop, pharmacy, at parking lot ng Landers.
Tiniyak din aniya ng pamunuan ng Landers na magpapatupad ito ng kinakailangang adjustments para makabalik sa operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.