Southern Luzon at Visayas apektado ng ITCZ
Intertropical convergence zone pa rin ang umiiral sa Southern Luzon at sa Visayas.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, July 22 ang Western Visayas, MIMAROPA, Quezon, Laguna, Batangas at Cavite ay maaring makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na mga araw.
Habang ang binabantayang LPA sa bahagi ng Eastern Samar kahapon ay nalusaw na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.