Limited face-to-face classes, uubra naman – Sen. Tolentino

Sinuportahan ni Senator Francis Tolentino ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘limited face-to-face classes’ sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Tolentino, sa ganitong paraan ay magagamit nang husto ng Department of Education o DepEd ang kanilang limited resources sa pagpapatupad naman ng ‘blended learning system’ sa mga lugar na mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Diin lang ng senador, kailangan pa ring istriktong sundin ang health and safety protocols para sa patuloy na kaligtasan ng mga estudyante, guro at mga tauhan sa eskuwelahan.

At dahil sa Republic Act 11480, may sapat ng instrumento ang Punong Ehekutibo para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Sa RA 11480, may kapangyarihan ang pangulo ng bansa na ipagpaliban ang pagsisimula ng klase kung may pandemiya o kalamidad.

Base sa mga unang anunsiyo ng DepEd, ang opisyal na pagsisimula ng mga klase ay sa darating na Agosto 24.

Read more...