Senate Blue Ribbon, naghahanda na sa ‘Bilibid COVID-19 deaths’ probe

By Jan Escosio July 21, 2020 - 08:06 PM

Kumilos na ang Senate Blue Ribbon Committee para sa gagawing pag-iimbestiga sa mga pagkamatay ng ilang preso sa National Bilibid Prison dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa komite, kaduda-duda ang mga pangyayari at aniya, may nakikita na siyang paglabag sa protocols, tulad ng hindi agad pag-uulat sa DOJ at DOH.

Diin pa ni Gordon, dapat ay may patunay din na namatay na ang preso sa katuwiran na ang mga isinasalang sa death penalty ay may testigo.

Duda ang senador na nakita ang mga namatay na preso ng kanilang mga kapamilya bago sinunog ang kanilang bangkay.

Nakikita din ni Gordon na may administrative violation sa bahagi ng pamunuan ng BuCor dahil sa hindi pagsunod sa protocols.

TAGS: Bilibid COVID-19 deaths, COVID-19, Inquirer News, Radyo Inquirer news, senate blue ribbon committee, Bilibid COVID-19 deaths, COVID-19, Inquirer News, Radyo Inquirer news, senate blue ribbon committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.