Halos 400 kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore
Halos 400 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 399 na kaso hanggang 12:00, Martes ng tanghali (July 21).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are nine case in the community, of whom one is a Singaporeans/Permanent Residents and eight are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding tatlong imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
“The higher number of cases today is mainly due to a batch of test results from the previous day reported to MOH after the 12pm cut-off yesterday’s reporting,” paliwanag nito.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 48,434 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.