Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin pa rin
Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:23 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga at Bulacan.
Maaapektuhan din ang Taguig, Makati, Pasig, Pateros at Quezon City sa Metro Manila; Cainta at Taytay sa Rizal; Mauban sa Quezon; Batangas.
Uulanin din ang General Trias, Tanza, Trece Martires, Indang, Maragondon, General Emilio Aguinaldo, Magallanes at Naic sa Cavite; San Pablo, Majayjay at Cavinti sa Laguna; Candelaria, Botolan at San Marcelino sa Zambales.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.