Higit 400,000 estudyante, nakapag-enroll sa public schools sa Quezon City

By Angellic Jordan July 21, 2020 - 03:28 PM

Mahigit 400,000 estudyante ang nakapag-enroll sa public schools sa Quezon City para sa school year 2020 – 2021.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nasa kabuuang 404,446 estudyante ang nag-enroll sa 156 public schools sa lungsod.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 95.38 porsyentong target ng QC government na 424,000 estudyante.

Nagulat aniya sila sa bilang ng mga enrollees dahil inaasahan nilang bababa ang mag-e-enroll dahil sa banta ng COVID-19.

Sa ulat ng City Schools Division Office, nasa 224,195 estudyante ang nag-enroll sa elementary (Kinder hanggang Grade 6) habang 153,145 ang Junior High School students (Grade 7 hanggang 10).

Nasa 27,106 estudyante naman ang nag-enroll sa Senior High School mula Grade 11 hanggang 12 at non-graded special education.

Ayon naman kay Education Affairs Unit Head Aly Medalla, inaasahan pa nilang dadami pa ang mag-e-enroll bunsod ng late enrollment policy ng Department of Education (DepEd).

“We are glad parents decided to enroll their children since the Schools Division Office together with the city has prepared for the new learning system, which allows students to learn and attend classes from home,” pahayag ni Medalla.

Inaprubahan ng Local School Board ang P2.9-billion supplemental budget para sa learning continuity plan upang makapag-adapt sa “new normal” na pagtuturo at pag-aaral.

Tiniyak naman ni Belmonte sa mga residente ang pagbibigay ng magandang kalidad ng edukasyon kahit nasa ilalim ng blended learning system.

“Even as we shift to a blended system of learning, parents and students can expect our support to ensure quality education from our schools,” ayon sa alkalde.

TAGS: Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Quezon City public schools, Radyo Inquirer news, School Year 2020-2021, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, Quezon City public schools, Radyo Inquirer news, School Year 2020-2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.