Mga dayuhang may permanent o immigrant visa lang ang papayagang makapasok ng bansa simula August 1 – BI

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na tanging ang mga dayuhang may permanent o immigrant visas lamang ang papayagang makapasok ng bansa simula sa August 1.

Pahayag ito ni BI Commissioner Jaime Morente matapos makatanggap ng mga tawag kung saan inakalang bukas na ang Pilipinas sa lahat ng dayuhan.

Ayon kay Morente, hindi pa rin pwedeng makapasok ang mga dayuhang turista, non-immigrant visa holders at iba pa.

“For the information of the public, the entry of foreign tourists, non-immigrant visa holders, and other categories of aliens are still prohibited. They will be turned back if they land in any of our ports of entry,” pahayag nito.

Malinaw aniya ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na papayagan lamang ang mga dayuhan na may long-term visas

“So if you are not a permanent resident here, do not attempt to travel to the Philippines because you will be excluded and denied entry by our immigration officers,” ani Morente.

Umapela naman si Morente sa publiko na itigil ang pagkakalat ng mga pekeng balita.

Magdudulot lamang aniya ito ng kalituhan at kaguluhan sa mga paliparan.

Ayon naman kay BI Port Operations Division Acting Chief Grifton Medina, mayroong apat na kategorya ng mga dayuhan na maaaring makapasok sa bansa sa susunod na buwan.

Ito ay ang mga sumusunod:
– May immigrant visas sa ilalim ng Section 13 ng Immigration act
– Nakakuha ng resident status sa ilalim ng Republic Act 7919 o Alien Social Integration Act
– Nakapag-avail ng Executive Order 324 o Alien Legalization Program
– native-born foreign nationals

“We are therefore advising the different airlines to take note of these latest travel guidelines so that they can accordingly inform their foreign customers who may wish to book their flights to the Philippines,” ani Medina.

Read more...