Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

By Angellic Jordan July 21, 2020 - 02:45 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:35 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Cavite at Laguna.

Maaapektuhan din ang San Jose, Batangas City at San Pascual sa Batangas; Tagkawayan, Lopez at Buenavista sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update July 21, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update July 21

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.