Pangulong Duterte, hinimok ang publiko na kumapit sa Diyos ngayong panahon ng pandemya

By Chona Yu July 21, 2020 - 12:14 PM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na kumapit sa Diyos habang hinaharap ang pandemya sa COVID-19.

Ayon sa pangulo, hindi pababayaan ng Diyos ang Pilipinas lalo’t mga Kristyano ang mga Filipino.

Kailangan lang aniya ng mga Filipino na magsakripisyo ng kaunti.

“In the mean time ang importante talaga dito is your perseverance. That’s the word. You must persevere during this time. Simplehin ko: Patience. Tutal darating din ‘yan. Marunong ang Diyos, hindi niya tayo pababayaan especially ang Pilipinas kasi Kristoyanos tayo. Magsakripisyo lang tayo ng kaunti,” pahayag ng Pangulo.

Maliit na bagay aniya ang sakripisyo ng mga Filipino kumpara sa sakripisyo ng Diyos na nagpapako sa krus.

“Tutal ang ating idol nagsakripisyo man din, pinaghahampas hampas, ipinako pa sa krus. tayo pasimba simba lang, paluhod-luhod lang. So, dedicate it to the Lord that you also suffer for the country,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang makailang beses nang minura ni Pangulong Duterte ang Diyos.

Tinawag pa noon ng pangulo na istupido ang Diyos.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.