City Hall ng Muntinlupa isasara muna simula ngayong araw; 5 empleyado ng korte nagpositibo sa COVID-19
Isasara simula alas 2:00 ng hapon mamaya (July 21) ang Muntinlupa City Hall of Justice at ang 3rd Floor ng Resiliency Building sa Muntinlupa City.
Sa memorandum ni Executive Judge Antonietta Medina, limang empleyado ng RTC Branch 203 ang nagpositeibo sa COVID-29.
Dahil dito, kailangang isara muna ang Hall of Justice at ang ikatlong palapag ng Resiliency Building para isailalim sa disinfection.
Inatasan ang bawat branch of court na magtalaga ng isang tauhan para umasiste sa gagawing disinfection.
Sa July 23 naman ay balik-operasyon na ang Hall of Justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.