Sunud-sunod na pagkamatay ng high-profile inmates sa bilibid dahil sa COVID-19 kaduda-duda
Hindi bumenta kay House Assistant Majority Leader at ACT CIS Rep. Nina Taduran ang ulat ng Bureau of Corrections kaugnay sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga high-profile inmates sa bilibid dahil sa COVID-19.
Sabi ni Taruran tila napakagaling mamili ng virus ng mga inmates na tatamaan ng sakit sa harap na rin ng pagkasawi ng New Bilibid Prison (NBP) high-profile inmate na si Jaybee Sebastian na sangkot sa illegal drug trade sa loob ng kulungan at sa kaso ni Senator Leila de Lima.
Nagtataka ang kongresista na agad na-cremate ang mga bilanggo na wala man lamang ibang detalye na ibinibigay.
Dahil dito, hiniling ng lady solon ang buong medical report ni Sebastian mula sa unang araw na ito ay nagka-COVID 19.
Sakali mang may iregularidad ay kailangan aniyang mapanagot ang mga nasa likod nito.
Nanawagan si Taduran ng imbestigasyon sa nangyari partikular sa siyam na high-profile inmates na nasawi sa virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.