Face-to-face classes sa low risk areas inaprubahan ni Pangulong Duterte

By Chona Yu July 21, 2020 - 10:18 AM

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ni Education Secretary Leonor Briones na payagan na ang face-to-face classes sa mga lugar na low risk o mababa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sang-ayon ang pangulo sa hirit ni Briones.

Sa meeting kagabi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, inihalimbawa ni Briones kay Pangulong Duterte ang Siquijor na nag-umpisa na ng face-to-face classes noong Hunyo pati na ang De La Salle University.

Humihirit na rin aniya ang ilang local government units maging ang international schools na makapagsagawa ng face-to-face classes.

Pero ayon kay Briones, kailangan muna makamit ang apat na kondisyon.

Una, dapat ang lugar ay nasa modified general communty quarantine, ikalawa ang pagkakaroon ng physical inspection sa mga paslidad sa mga eskwlehan, ikatlo ang assessment sa mga eskwlehan at ikaapat ang mas mahigpit na health standards.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, face-to-face classes, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, face-to-face classes, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.