Bahagi ng QC at Caloocan 8-oras mawawalan ng suplay ng tubig

Walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Quezon City at Caloocan.

Ayon sa Maynilad ito ay para matugunan ang mabilis na pagbaba ng antas ng tubig sa kanilang mga water reservoir.

Ang water service interruption ay mararanasan mula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw (July 21) hanggang alas 8:00 ng gabi.

Apektado ang sumusunod na lugar:

Quezon City
– Bahay Toro
– Sangandaan
– Sauyo
– Talipapa
– Tandang Sora

Caloocan
– 161

 

 

Read more...