Pasok sa trabaho sa PCOO sinuspinde; isang empleyado nagpositibo sa COVID-19
Suspendido ang trabaho sa Presidential Communication Operations Office matapos magpositibo ang isa sa mga empleyado nito sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni PCOO Undersecretary Marvin Gatpayat sa Radyo Inquirer.
Suspendio ang trabaho simula ngayong araw June 21.
Babalik ang trabaho ng nga taga PCOO sa July 27 sa mismong araw ng State of the Nation Addresss ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinapayuhan naman ang mga empleyado na mag work from home muna.
Nabatid na isang babaeng empleyado ang nag positibo sa COVID-19 at huling pumasok sa tanggapan ng PCOO sa New Executive Building sa Makakanyang noong July 10.
Nagsasagawa na ng disinfection sa tanggapan mg PCOO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.