Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 14.8 million na
Umakyat na sa mahigit 14.8 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, 14,844,353 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,960,583 matapos makapagtala ng mahigit 62,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 21,000 bagong kaso habang mahigit 36,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,121,645
India – 1,154,917
Russia – 777,486
South Africa – 373,628
Peru – 357,681
Mexico – 344,224
Chile – 333,029
Spain – 311,916
UK – 295,372
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.