Nicki Minaj inanunsyo ang pagbubuntis

Buntis si US rap queen Nicki Minaj.

Sa kaniyang Instagram post, ginulat ng 37 anyos na si Minaj ang kaniyang fans sa pagbahagi ng larawan na kita ang kaniyang baby bump.

Nilagyan ni Minaj ng caption ang unang larawan na “#Preggers.”

Sinundan niya ito ng iba pang pregnant photos.

Noong Mayo, nagsabi na si Minaj na nakararanas siya ng pregnancy symptoms gaya ng pagkahilo.

Read more...