Pangulong Duterte at Direk Joyce Bernal nagpulong kagabi para sa SONA

Naghahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang State of the Nation Address sa July 27.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon na ng pagpupulong kagabi sa Malago compound sa Malakanyang sina Pangulong Duterte at Direk Joyce Bernal.

Si Bernal ang muling magdi-direk sa SONA ng pangulo.

Hindi na tinukoy ni Roque kung anong diskarte ang gagawin ni Bernal lalo’t maiiba ang SONA ngayon ng pangulo dahil sa COVID-19.

Una rito, hindi pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Sagada ang grupo ni Bernal na makapag shoot para sa SONA ng pangulo.

Kasama sana sa gagawing video sa Sagada ang sikat na aktor na si Piolo Pascual.

Si Bernal din ang nag-direk sa mga naunang SONA ni Pangulong Duterte.

 

Read more...