DFA Aseana at DFA SM Manila sarado ngayong araw para sa disinfection

Suspendido ngayong araw, July 21 ang operasyon ng Office of Consular Affairs (OCA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana, Parañaque City at Consular Office nito sa SM Manila.

Ito ay para makapagsagawa ng disinfection sa nasabing mga tanggapan.

Ayon sa abiso ng DFA, ang mga aplikante sa passport na may scheduled appointment ngayong araw ay ia-accommodate na lamang simula July 22 hanggang August 20.

Mananatili namang bukas ang iba pang consular offices ng DFA.

Regular na isinasailalim sa disinfection ang mga tanggapan ng DFA para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

 

 

Read more...