Election offenses na ipinarating sa pamamagitan ng social media iimbestigahan ng Comelec

Illegal election
FB pic

Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Elections (Comelec) sa dalawang indibidwal na nagpost sa twitter ng mga litratong nagpapakita ng election offense sa dalawang national candidates.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ito ay para mai-refer ang reklamo sa tamang Division ng poll body at maimbestigahan.

Sa tweet ni Ric Malasa, makikita sa litrato na na ginagamit ng ilang mga taga-suporta ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang isang government vehicle na Toyota Hilux na may red plate number na SKD-417 na ginagamit sa pagkakabit ng mga tarpaulin.

Isang twitter user naman na may pangalang “my fair take” ang nagpost ng litrato ng tarpaulin ni Senatorial aspirant Francis Tolentino sa pader ng Philippine Normal University sa Taft Avenue Manila.

Ayon kay Jimenez, labag ito dahil hindi common poster area ang mga eskwelahan.

Muling nanawagan ang Comelec sa publiko na mag-post lamang sa kanilang mga social media accounts ng mga makikitang election violations at ito’y kanilang aaksyunan.

Read more...