BREAKING: Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 69,000 na
Nadagdagan pa nang mahigit 1,500 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (July 20), umabot na sa 68,898 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 43,991 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,521 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,209 ang “fresh cases” habang 312 “late cases.”
Nasa apat ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,835 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 607 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 23,072 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.