NCR at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:00 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Bataan, Rizal, at Batangas.

Maaapektuhan din ang Valenzuela sa NCR; Tanza, Naic at Silang sa Cavite; Los Baños sa Laguna; Cabiao sa Nueva Ecija; at Pampanga.

Uulanin din ang Lopez, Calauag, Atimonan at Pagbilao sa Quezon; San Jose, Mayantoc, San Clemente, Concepcion, Sta. Ignacia at Camiling sa Tarlac.

Makakaranas din ng nasabing lagay ng panahon ang San Jose Del Monte, Malolos, Calumpit, Paombong at Baliuag sa Bulacan; Santa Cruz, Candelaria, Masinloc at Palauig sa Zambales.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...