Unang COVID-19 walk-in testing center sa Ospital ng Sampaloc, inilunsad na

Pormal nang inilunsad ang kauna-unahang COVID-19 walk-in testing center sa Ospital ng Sampaloc sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, libre ang pagsailalim sa pagsusuri rito.

Kailangan lamang aniyang magdala ng valid ID.

Sinabi ng alkalde na asahang magbubukas pa ng walk-in testing sites sa nasabing lungsod.

“Marami pa po tayong bubuksan na COVID-19 walk-in testing center. We’ll work harder to open them soon,” pahayag ni Moreno.

Read more...