Batas para pagbabago ng petsa ng pagbubukas ng klase kapag may kalamidad inaprubahan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa kaniya para baguhin ang petsa ng pagsisimula ng klase.

Isa nang ganap na batas ang Republic Act No. 11480 na nag-aamyenda sa Republic Act 7797 na nagtatakda ngn pagbubukas ng klase sa pagitan ng unang Lunes ng Hunyo hanggang Huling araw ng Agosto.

Batay sa nilagdaang batas, kung mayroong deklarasyon ng state of emergency o state of calamity ang pangulo ng bansa ay maaring magtakda ng petsa para sa pagbubukas ng klase batay sa rekomendasyon ng kalihim ng Department of Education.

Ang kalihim din ng DepEd ang tutukoy kung kailan dapat magtatapos ang regular school year at kasamang ikukunsidera ang Christmas at summer vacations.

Ngayong may pandemic ng COVID-19 sinabi ng DepEd na ang pagbubukas ng school year 20202-21 ay sa August 24, 2020.

 

 

Read more...