PNP iimbestigahan ang operasyon ng NCRPO sa isang bahay sa Taguig

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang insidente na kinasangkutan umano ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Taguig.

Ayon kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, nakausap na niya tungkol sa nangyari si Police Major General Debold Sinas.

Tiniyak ni Gamboa na magsasagawa ng imbestigasyon ang PNP at aalamin kung paano isinagawa ang operasyon.

Nag-viral ang video ng pagpasok umano ng mga tauhan ng NCRPO sa bahay ng pamilya ng pamilya Delos Santos.

Pilit umanong pinaaalis ng mga tauhan ng NCRPO ang magkakapatid na nakarita sa lumang Regional Direct Support Unit compound sa Lawton Avenue sa Taguig.

Ang magkakapatid ay naninirahan sa lugar dahil sila ay anak ni Arnel delos Santos na isang dating pulis.

 

 

Read more...