PCSO magsasagawa ng catch-up draws simula ngayong araw

Simula ngayong Lunes, July 20 magsasagawa ng catch-up draws ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ito ay para sa mga naibentang tickets bago magsuspinde ang gaming operations ng ahensya noong March 17.

Ang catch-up draws ay ipalalabas ng live sa Facebook pages at Youtube channels ng PCSO at PTV.

Mayroon din itong delayed telecast sa PTV 4.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagre-resume sa regular gaming operations ang PCSO.

Wala pa ring ibinebentang tickets at nananatiling sarado ang mga Lotto outlets.

 

 

Read more...