Barangay chairman na operator ng sabungan, limang iba pa arestado sa Maynila
Arestado ang isang barangay chairman bunsod ng pag-ooperate umano ng sabungan sa kanyang nasasakupan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.
Kinilala ang suspek na si Silvestre Dumagat Jr. ng Barangay 125 sa Tondo, Maynila.
Ikinasa ng mga tauhan ng Raxabago Police Station ang operasyon sa Simoun Street kanto ng Patria bandang Linggo (July 19) ng tanghali.
Sa naturang operasyon naaresto naaresto ang apat na indibidwal na kinilalang sina Lito Siana, 50, Arnel King, 32, Daryl Ellorin, 30, at si Daniel Custodio, 37.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang manok na pangsabong at perang nagkakahalaga na P500.
Nakatakas naman si Dumagat at ang kanyang caretaker na kinilala na si Wilfredo Marullano.
Pero sa ikinasang follow up operation nadakip din ang barangay chairman at si Marullano na naaktuhang naghihintay para sa susunod na pasabong.
Ayon kay MPD Station 1 Commander Lt. Col. Cristopher Navida, nauna na silang nagsagawa ng operasyon noong April 5 sa naturang lugar.
Nakiusap na umano siya kay Dumagat hinggil sa ilegal na aktibidad ngunit patuloy pa rin itong nag-operate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.