Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na apat na buwan na ang lumipas mula nang ipatupad ang quarantine protocols.
Pero hanggang sa ngayon, marami pa rin aniya ang mga nagpapasaway.
Sinabi ni Diño na nalalagay sa alanganin ang kalusugan ng nakararami dahil sa mga pasaway na labas ng labas ng bahay para makipag-tsismisan, lumalabas ng walang face mask at hindi sumusunod sa physical distancing.
“Iyan ang dapat talagang gawin sa inyo inilalagay niyo sa alanganin ang buhay ng iba dahil sa hindi pagsuusot ng face mask, lumalabas para makipagtsismisan lang,” ani Diño.
Pinaalalahanan ni Diño ang mga kapitan ng barangay na ipatupad ang batas sa hindi pagsusuot ng face mask.
Aniya, sa ilalim ng batas, ang mga mahuhuling lumalabas ng bahay ng walang face mask ay dapat arestuhin at pagmultahin ng P1,000 para sa unang palabag.