Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Lunes, July 20, pawang low frequency lamang ang mga pagyanig.
Ayon sa Phivolcs may mga indikasyon pa rin na mayroong degassing, hydrothermal activity o magmatic intrusion sa bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.
Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng phreatic eruption anumang oras.
MOST READ
LATEST STORIES