Cargo vessel nasunog sa karagatang sakop ng Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo July 20, 2020 - 07:56 AM

Isang cargo vessel ang tinupok ng apoy sa karagatan na sakop ng Batangas.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Philippine Coast Guard, nagliyab ang M/V Moreta Venture sa karagatan ng Marikaban Island.

Wala namang nasaktan sa insidente at ligtas ang lahat ng crew ng barko.

Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo ang PCG Command Center ay nakatanggap ng distress call alas 4:53 ng madaling araw kanina hinggil sa insidente.

Agad namang nakaresponde ang BRP Boracay (FPB-24) sa lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

 

TAGS: Batangas, cargo vessel, coast guard, Inquirer News, maricaban island, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, cargo vessel, coast guard, Inquirer News, maricaban island, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.