Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 13,600 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 20, 2020 - 06:44 AM

Sumampa na sa mahigit 13,600 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 240 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 13,677 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,872 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 666 ang nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.

Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 76 dahilan para umabot na sa 6,139 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 8,072 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,527
Mandaue City – 1,480
Lapu-Lapu City – 1,460
Negros Oriental – 68
Bohol – 70
Siquijor – 0

 

 

TAGS: central veisayas, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, central veisayas, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.