Currimao, Ilocos Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 9 kilometers southwest ng bayan ng Currimao, alas-12:27 madaling araw ng Lunes (July 20).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

Read more...