Frontline services ng PRC-PICC office sinuspinde; 6 na empleyado nagpositibo sa COVID-19

Suspendido sa loob ng limang araw frontline services sa tanggapan ng Professional Regulation Commission (PRC) sa PICC.

Ito ay makaraang anim na empleyado ng PRC-PICC ang magpositibo sa COVID-19.

Sa abiso ng PRC, ang temporary suspension ng frontline services sa PRC – PICC ay simula ngayong araw July 20 hanggang sa July 24, 2020.

Ayon sa PRC magsasagawa ng disinfection sa pasilidad habang ipinatutupad ang closure.

Magsasagawa rin ng contact tracing sa mga tauhan nito at kliyente na maaring nakasalamuha ng anim na positibong empleyado.

Nakasailalim sa istriktong home quarantine ang anim na positibo sa sakit.

Magpapatupad ng work-from-home arrangement ang PRC at ang mga katanungan ng publiko ay maaring ipadala sa email addresses na matatagpuan sa link na ito: https://www.prc.gov.ph/public-assistance.

 

Read more...