Francis Tolentino pabor na mailibing si dating pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Pinapaboran ni Independent Senatorial Candidate Francis Tolentino ang pagpapalibing kay yumaong pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Katuwiran ni Tolentino ito ay kung magiging daan para sumulong na ang Pilipinas mula sa nakaraan.
Napabilang si Tolentino sa senatorial candidates sa tambalan nina Senator Miriam Defensor-Santiago at Senator ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Magugunita na namatay sa Honolulu, Hawaii si Marcos sa edad na sitentay dos noong September 29, 1989 o mahigit tatlong taon matapos siyang mapatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng Edsa People Power.
Sa ngayon ay nananatili sa isang air conditioned mausoleum sa Batac, Ilocos Norte ang mga labi ng yumaong pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.