Baganga, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 23 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-4:14 madaling araw ng Lunes (July 20).

May lalim na 53 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...