General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers southeast ng bayan ng General Luna, alas-3:12 madaling araw ng Lunes (July 20).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...