Apat na staff ng OVP, nagpositibo sa COVID-19

PHOTO GRAB: VP Leni Robredo/FACEBOOK

Tinamaan ng COVID-19 ang apat na staff ng Office of the Vice President (OVP).

Inanunsiyo ito ni Atty. Barry Gutierrez na positibo ang apat na empleyado ng OVP gamit ang Facebook account ni Vice President Leni Robredo.

Sinabi nito na nagsimula na ang contact tracing procedures para malaman kung sinu-sino ang nakasalamuha ng apat na empleyado.

Dahil dito, pansamantalang suspendido ang operasyon ng OVP para sa isasagawang disinfection procedure.

“When the OVP started Covid-19 response operations in March, we were aware of the possible risk to the Vice President and our staff. And while we stringently followed strict safety protocols in our work at the office and in various communities, the VP herself, as well as every staffer, was aware that contracting Covid-19 was always a possibility,” pahayag ni Gutierrez.

Tiniyak naman nito na patuloy pa rin ang kanilang pagtatrabaho para suportahan ang COVID-19 response sa bansa.

Negatibo naman si VP Robredo sa nakakahawang sakit.

Read more...