Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, higit 1,500 na
By Angellic Jordan July 19, 2020 - 10:41 PM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (July 19), 1,538 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
732 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,600 ang suspected cases.
Umabot naman sa 596 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.