DENR, humirit sa Kongreso na bigatan pa ang parusa sa R.A. 9147

July 19, 2020 - 07:02 PM

Humihirit si Environment Secretary Roy Cimatu sa Kongreso na bigatan pa ang parusa sa Republic Act (RA) 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Ayon kay Cimatu, ito ay dahil sa nagiging paulit-ulit lamang ang paglabag ng mga sindikato.

“RA 9147 should be amended to include a mandatory minimum jail term of six years for those found guilty of the criminal acts defined under the law,” ani Cimatu. “This is to make sure that convicted offenders will be able to serve their sentence and will not be eligible for probation,” pahayag ni Roy.

Sinabi ito ni Cimatu matapos ang isang task force sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nakaaresto ng dalawang suspek sa ilegal na pagbebenta ng wildlife Tondo, Manila.

Sa pamamagitan ng entrapment operation, nasagip ng Philippine Operations Group on Ivory and Illegal Wildlife Trade (Task Force POGI), ang 42 threatened at endangered species na mga pagong na tinatayang nagkakahalaga ng Php550,000 mula kay Eumir Rommel Raganit at Bruce Kenneth Tan na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9147.

Kasama sa mga nasagip ay 11 black pond turtles (Geoclemys hamiltonii), na itinuturing na critically endangered sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2019-09 o ang “Updated List of Threatened Philippine Fauna and their Categories.”

Nakalista rin ang black pond turtle sa ilalim ng Appendix I ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora o CITES. Ibig sabihin, ang bilang ng species na ito ay napakaliit na at maaaring nang maubos o maging extinct sa mundo kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagkalakal sa mga ito.

TAGS: 18th congress, contact tracing, DENR, Inquirer News, Kongreso, Radyo Inquirer news, Republic Act 9147, Sec. Roy Cimatu, Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, 18th congress, contact tracing, DENR, Inquirer News, Kongreso, Radyo Inquirer news, Republic Act 9147, Sec. Roy Cimatu, Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.