Kasunod pa rin ito ng ipinatupad na extension ng general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region at iba pang lugar hanggang July 31.
Layon ng hakbang na bigyan ng tulong ang mga kumpanya ng bus na nakiisa para mahatid ang health care workers sa iba’t ibang ospital sa gitna ng COVID-19 crisis.
Hanggang July 17, nakapagbigay na ang Petron sa naturang programa ng 255,000 litro ng diesel fuel na nagkakahalaga ng P7,913,500.
Naging posible ang fuel subsidy ng kumpanya sa pamanagitan ng donasyon ng San Miguel Corporation Infrastructure.
Tiniyak ng Petron na tuloy pa rin ang pagbibigay ng 50 litro ng langis sa 60 sasakyan kada araw hanggang July 31.
Ayon naman kay DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr., welcome development para sa kagawaran ang desisyon ng kumpanya na palawigin ang fuel subsidy assistance.