48 volcanic earthquakes, naitala sa Mt. Bulusan
Nakapagtala ng volcanic earthquakes sa Mt. Bulusan, ayon sa Phivolcs.
Sa Bulusan Volcano bulletin ng Phivolcs bandang 8:00 ng umaga, nasa 48 ang naitalang volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Mt. Bulusan dahil sa abnormal condition nito.
Sinabi ng Phivolcs na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).
Pinag-iingat naman ang mga residente sa lugar sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa southeastern sector bunsod ng posibleng maranasang mapanganib na phreatic eruptions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.