Gamitin ang mas mura, world class UP-made test kits – opposition senators


Nababalot na lang ng alikabok sa mga laboratory ang mga PCR test kits na gawa ng UP – National Institute for Health at pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Ito ang nagkakaisang sinabi nina opposition Senators Frank Drilon, Francis Pangilinan at Risa Hontiveros.

Kinuwestiyon ng tatlong senador ang mabilis na pagpasok sa bansa ng test kits mula sa China at Korea na nagkakahalaga ng P4,000 hanggang P8,000 gayun ang test kits ng UP at DOST ay P1,320 lang ang halaga at itinuturing din na world class.

Noon pang Disyembre sinimulan ng Filipino scientists at doctors ang test kits nang unang magsimulang kumalat ang coronavirus.

“What seems to be holding Secretary Duque and the DoH back from giving the go-signal for the use and mass production of this Filipino-made, quality yet less expensive test kit? May kumikita ba sa mas mahal na imported test kit?” tanong ng tatlong minority senators.

Dagdag tanong pa nila kung may pinapaboran sa ngalan ng kapakanan ng mga Filipino.

“The savings that could be generated from this kit are crucial in augmenting our COVID-19 response especially at a time when resources are scarce,” sabi pa ng tatlo sa kanilang pinag-isang pahayag.

Read more...