Sen. Recto: 2020 SONA dapat malinaw na plano para sa kinabukasan
Ang State of the Nation Address (SONA) ay para sa mamamayan at ang pangunahing dapat masagot ay kung bumuti ang uri ng pamumuhay ng lahat.
Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.
Ngayon may pandemiya, ayon pa kay Recto, dapat nakatuon ang SONA sa kung ano ang mga magagawa pa at hindi sa kung ano ang nagawa na.
“Magsasaka man o millennial, ‘yan ang kanilang hahanapin sa mensahe ng Pangulo. Ang landas tungo sa kinabusakan. The path to victory over the virus,” diin ni Recto at dagdag nito, “ Wherever it will be delivered, through whatever medium, the SONA 2020 must contain one thing: an inspiring 20/20 vision that will rally this nation to move as one.”
Sa darating na Hulyo 27, ihahatid ni Pangulong Duterte ang kanyang pang-limang ulat sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.