Mahigit 27,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Base sa datos, 27,765 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang July 18.
Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.
Inabisuhan naman ang mga returning overseas Filipino na kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa quarantine facility para sa pagproseso ng pag-uwi sa kani-kanilang probinsya.
Ibibigay naman ang quarantine clearances sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.